ECO-Establisemento 2023 Awardee

ECO-Establisemento 2023 Awardee

Noong nakaraang December 13, 2023 ay kinilala ang mga business establishments sa Balanga City, Bataan para sa Outstanding Establishment na kaagapay ng lungsod sa malusog at malinis na kapaligiran. Ginanap ang paggawa ng parangal sa Vista Mall Balanga at nakatanggap po tayo ng certificate at 5,000 pesos. Noong nakaraang taon ay ginawaran din ang Pandayan Balanga para sa ganitong kategorya. Ilan sa mga nakatanggap ng parangal ay ang Vetafs Store, Rock n Roll, Jollibee, Mang-Inasal, KFC. Ito lamang po ang mga nakatanggap ng pagkilala sa napakadaming tindahan sa sentro ng Balanga.
Kasama ring ginawaran para sa ibang kategorya ang iba at ibang eskwelahan sa Balanga. Nakaka-proud po na irepresenta ang Pandayan dahil sa dami po ng mga tindahan sa Balanga ay tayo po ang ikalawa sa line-up para sa pagkilala. Halos buong School Division ng Balanga ay kasama po natin at talaga naman pong nare-recognize tayo ng mga guro.